Kaagad na nasawi ang isang binata matapos siyang tambangan at pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa Navotas City, nitong Sabado ng gabi.
Dead on the spot si Rodenson Gardino, 25, ng Block 24, Lot 7, Phase 1-D NBBS, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa report ni PO2 Allan Bangayan, dakong 9:00 ng gabi at naglalakad sa Asuhos Street sa Navotas City ang biktima nang biglang sumulpot ang tatlong lalaki at sabay-sabay na pinagbabaril ng mga ito si Gardino bago tumakas.
Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang. - Orly L. Barcala