STA. ROSA, Laguna – Isang sarhento ng Philippine Air Force (PAF) ang binaril at napatay ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang sakay siya sa kanyang kotse kasama ang kanyang misis sa Sta. Rosa-Tagaytay Road sa Barangay Don San Jose, nitong Sabado ng umaga.

Ang biktima ay si SSgt. Elmer N. Lonzaga, 47, miyembro ng PAF, at residenteng Laguna Bel Air.

Sakay si Lonzaga sa isang kotseng Subaru car at nang huminto sa red light ay pinagbabaril siya ng suspek.

Isinugod si Lonzaga sa Southern Luzon Hospital ngunit hindi na siya umabot nang buhay.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Wala namang nabanggit sa ulat kung ano ang nangyari sa kanyang maybahay.

Tumakas ang mga suspek patungong Tagaytay, samantalang iniimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay. - Danny J. Estacio