Mga laro ngayon
(Rizal Memorial Baseball Field)
7 n.u. -- Thunderz vs PUP
9 n.u. -- UST vs ADMU-B
11 n.u. -- DLSU vs BULSU
Namayani ang Unicorns kontra Ateneo de Manila University, 27-17, sa abbreviated na laro upang masiguro ang silya sa quarterfinals ng 2016 PSC Commissioners Cup Baseball Cup, sa Rizal Memorial Baseball Field.
Pinamunuan ni Carlos Munos sa pagpalo ng 3-run homerun sa una at ikaapat na inning para itala ang kanyang 4-at -bat, 2 runs, 3 hits, at 6 RBI na paglalaro sa Unicorns na kinolekta ang ikaapat na sunod na panalo at unang puwesto sa quarterfinals sa Pool B.
Unang umiskor ng 3-runs ang Ateneo sa pagsisimula ng laban sa pamumuno nina Rafu Arrastia (6AB, 3R at 2H), Juan Alfonso Macasaet (6AB, 4R, 3H at 3RBI) at Lorenzo Ramos (5AB, 3R, 3H at 3RBI), subalit agad itong ginantihan ng Unicorns ng apat na runs sa first inning.
Binawi ng Ateneo Blue Batters ang abante sa dalawang run sa 2nd inning para sa 5-4 abante subalit nag-init at agad na umalagwa ang Unicorns sa inihulog na matinding 11 runs bago ang tig-tatlong run sa fourth at fifth inning tampok ang 3-run homerun ni Matt Laurel para sa 21-16 iskor.
Nagpilit pa ang Ateneo na isalba ang kampanya sa pagpasok ng isang run sa 4th, tatlo sa 5th, pito sa 6th at isa sa 7th inning, bago tuluyang umiskor ng lima pa ang Unicorns sa bottom ng 7th upang tapusin ang laro base sa regulation na 10 run rule.
Nag-ambag si Carlito Laurel ng 3 run, 2 hit, at 1 RBI pati si Felipe Remollo ay may 4 run at 2 hit. Si Matt Laurel ay may 4 run, 3 hit at 5 RBI, habang si Noel Uichico ay may 1 run, 2 hit at 2 RBI, at si Gabby Baroque na may 1 run, 2 his at 2 RBI.