NAPAKAHIRAP, Kapanalig, para sa isang bansa na sumulong kung ang pulitika ang pangunahing pamantayan ng mga mamamayan nito. Hindi ito kalayaan, Kapanalig. Hindi ito “free-will”. Hindi rin ito makatao. Sa pulitika, natatali ang kamay natin sa utang na loob, pera, imahe, at posisyon.

Kailan kaya darating ang panahon na tayo ay magiging “objective” sa mga desisyong-panlipunan? Kailan kaya mananaig ang tunay na nakabubuti sa mamamayan?

Kapanalig, ang ating bayan ay hindi dapat mahati sa parti-partido. Hindi tayo dapat magkanya-kanya dahil tayo ay iisang lahi. Kung anuman ang tatahakin ng isang sektor, dala-dala tayong lahat nito. Ang tagumpay ng isa, ay tagumpay nating lahat.

Ang maralita ang nadadaya kung pulitika ang laging magiging gabay ng desisyon ng ating pamamahala. Ano nga ba ang mga dapat na pamantayan sa pamamahala upang tunay na maabot ng mga tao at ng lipunan ang kanyang kaganapan?

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kapanalig, baka kailangan natin palawigin ang kamalayan ukol sa good governance.

Ang good governance ay isa sa mga pinakamalaking mithiin ng mundo. Ayon sa global consultation ng UNDP noong 2012 (A million voices: The world we want), ang pinakamatingkad na hiling ng mahigit sa dalawang milyong respondent ay “A new agenda built on human rights and universal values of equality, justice and security. Better governance underpins many of their calls.”

Ayon sa UNDP Discussion Paper na may pamagat na “Governance for Sustainable Development”, para malaman kung ang pamamahala ay maayos, kailangan tingnan ang mga mekanismo na nagsusulong nito, ang mga prosesong gagamitin at ginagamit, at ang resulta o outcomes. Ayon pa sa pag-aaral, ang mekanismo ng good governance ay bukas na demokratikong institusyon kasama ang epektibo at mabisang serbisyo- publiko. Ang mga proseso naman ng governance ay tumutukoy sa kalidad ng partisipasyon na kailangan upang ang mga prayoridad pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiya ay batay sa malawak sa concensus o pagkakaisa ng lipunan, at ang boses ng pinakamahirap na sektor ng lipunan ay kasama sa pagbuo ng mga desisyon.

Ngayong panahon ng pagbabago, ang good governance ay isang prinsipyo na sinasang-ayunan ng nakararami, at ito sana ang maging gabay natin sa pagsulong ng bansa. Ang good governance, kapanalig, ay nagtataguyod ng kaganapan ng tao at dignidad nito. Ang Rerum Novarum ay nagbigay gabay sa mga namamahala noon, na maaring malapat din sa ating panahon ngayon: “Rulers should anxiously safeguard the community and all its members. The conservation of the community and its members is so emphatically the business of the supreme power. The safety of the nation is not only the first law, but it is a government’s whole reason of existence… As the power to rule comes from God, and is, as it were, a participation in His, the highest of all sovereignties, it should be exercised as the power of God is exercised – with a fatherly solicitude which not only guides the whole, but reaches also individuals.”

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)