Hiniling ng poll watchdog na suportado ng Simbahan sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang alegasyon ng dayaan sa katatapos na eleksiyon upang mapanatili ang kredibilidad ng halalan.

“For the credibility of the elections all protests and claims accompanied by evidence should be looked into seriously,” sabi ni Henrietta de Villa, chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Kumbinsido si De Villa na nagkaroon ng dayaan sa eleksiyon nitong Mayo 9, sinabing isang obispo ang mismong nakasaksi nito, bagamat hindi niya ito pinangalanan.

“Cheating happened, yes. We have a Bishop who witnessed one himself. How massive the cheating was as to alter election results, hard to tell,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mayo 30 nang isama ni Pastor Boy Saycon, ng Council of Philippine Affairs (COPA), sa Senado ang tatlong nakakubling whistleblower, na umaming nakibahagi sila sa umano’y pagmamanipula sa resulta ng botohan sa Quezon.

Ayon sa mga whistleblower, layunin ng kanilang espesyal na operasyon na paboran ang mga kandidato ng Liberal Party, partikular ang standard bearers ng partido na sina Mar Roxas at Vice President-elect Leni Robredo.

Gayunman, hiniling ni De Villa sa mga nag-aakusa ng pandaraya na magprisinta ng matitibay na ebidensiya.

“Claimants of cheating must have hard and strong evidence to back their claims,” ani De Villa. “If proven guilty cheaters must be punished heavily and swiftly.” (Leslie Ann G. Aquino)