PARIS (AP) – Natuldukan ang matikas na kampanya ni Pinoy netter AJ Lim sa Roland Garros nang magapi ni Marvin Moeller ng Germany, 6-2, 6-1, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa third round ng French Open boys singles.

Tumibay ang kampany ng 17-anyos na si Lim matapos masilat ang No.3 seed na si Ulises Blanch sa second round.

Unang nagwagi si Lim, inihahanda ng Team Philippines para sa international tournament kabilang ang SEA at Asian Games, kontra Constantin Bittoun Kouzmine ng France, 6-1, 3-6, 6-2, bago sinundan nang malaking tagumpay sa American star, 6-3-61 sa second round.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!