OAKLAND, California (AP) — Malalim ang bench ng Cleveland Cavaliers, sa pangunguna nina LeBron James at Kyrie Irving. Ngunit, kung hindi nila maipapaikot nang tama ang opensa, malayong makasingit ang Cavs sa matikas na defending champion Golden State Warriors.

Malupit at mahirap pigilan ang Cavs sa sandaling tama ang ikot ng bola dahilan para masira ang depensa ng kalaban at magkaroon ng malaking pagkakataon na makatira sa long-range ang mga shooter.

Ang ganitong opensa ang bulang nawala sa Cavs dahilan para paglaruan sila ng Warriors sa Game 1 ng NBA Finals, 104-89.

“There is a fine line,” pahayag ni James matapos ang ensayo nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m okay with us having some isolation basketball if we’re going quick. But we’re holding the ball and we’re just staring down the defense and we’re staring down the ball, then it can become a problem for us.”

Inaasahan ni James na makababawi sila sa pagpalo ng Game 2 sa Linggo (Lunes sa Manila) bago tumulak pabalik sa Cleveland para sa susunod na dalawang laro ng home-and-away format.

Kakailanganin din nilang mapigilan ang bench, sa sandaling muling manlamig ang long-range shooting ng “Splash Brothers” nina back-to-back MVP Stepehn Curry at Kyle Thompson.

Ayon kay Cavaliers coach Tyronn Lue, plano niyang sabayan sa bilis ang Warriors kung kaya’t inaasahan niya ang mas aktibong laro ng kanyang star player.

“When you’re switching 1 through 5, it makes you stagnant,” sambit ni Lue. “It makes you play one-on-one. So the best thing you can do is try to get the matchup you want and try to explore it.”