Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

11:15 n.u. -- San Beda vs Ateneo

1:30 n.h. -- NU vs Arellano

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

3:15 n.h. -- Adamson vs UE

5 n.h. -- La Salle vs Letran

Itataya ng De La Salle University ang walang gurlis na marka sa pagsagupa kontra reigning NCAA champion Letran ngayong hapon sa Fil Oil Flying V Premier Cup sa San Juan Arena.

Malinis ang karta ng Green Archers sa nakalipas na limang laro at target ni coach Aldin Ayo na mapanatili ang matikas na katayuan ng koponan, sa kabila ng katotohanan na hindi pipitsugin ang kanilang karibal.

Ito ang unang pagkakataon na makakasagupa ni Ayo ang kanyang dating koponan makaraang giyahan ito sa kampeonato ng nakaraang NCAA Season 91 basketball finals kontra dating five- time champion San Beda.

Dahil sa naunang limang malaking panalo kabilang na ang 32- puntos na demolisyon sa mahigpit na karibal na Ateneo de Manila, pinapaboran ang Green Archers sa larong inaasahang hindi lamang magiging labanan sa loob ng court kundi maging ng pride ng dalawang eskuwelahan.

Umaasa si bagong Knights coach Jeff Napa na hindi bibitaw ang kanyang koponan sa ipinatutupad niyang sistema.

Bagama’t aminadong dehado dahil wala silang lehitimong big man na ipantatapat kay La Salle slotman Ben Mbala,nangako si Napa na bibigyan nila ng magandang laban ang karibal.

Bukod sa tapatang La Salle - Letran ganap na 5:00 ng hapon, tatlo pang matitinding senior games ang matutunghayan ngayon.

Sa unang salpukan ganap na 11:15 ng umaga, magtutuos ang San Beda at Ateneo na susundan ng tapatan ng National University at Arellano na mag- uunahang makapagtala ng ikalimang panalo para masolo ang ikalawang puwesto sa Group B.

Umaatikabong bakbakan din ang tiyak na mamamagitan sa Adamson at University of the East ganap na3:15 ng hapon para sa hangad na masiguro ang pag-usad sa susunod na round. (Marivic Awitan)