Kung magkakaroon ng pagkakataon na magkita sina President-elect Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe, malaki ang posibilidad na magkasundo ang dalawang leader.

Ito ang paniniwala ni Katsuyuki Kawai, special advisor to the Japanese Prime Minister, na bumiyahe sa Pilipinas ngayong linggo upang makipagpulong kay Duterte at iabot ang congratulatory letter mula kay Abe.

“Duterte and Prime Minister Abe will be able to build good chemistry with each other,” inihayag ni Kawai sa mga mamamahayag matapos ang press briefing sa Japan Information and Culture Center (JICC) sa Embassy of Japan sa Pasay City.

“Mr. Duterte is very frank and sincere and also very decisive new leader as well as our Prime Minister,” dagdag ni Kawai.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa kanyang maikling pulong kay Duterte, tinalakay ng President-elect at ng special advisor ni Abe ang isyu sa panghihimasok umano ng China sa teritoryo ng iba’t ibang bansa sa Spratlys Group of Islands, na parehong sangkot ang Japan at Pilipinas.

“Japan has been constantly supporting the Philippines’ use of arbitral tribunal which respects the rule of law and pursuits the peaceful resolution through the arbitration,” ayon pa kay Kawai.

Ipinaliwanag ni Kawai kay Duterte na nagkaisa ang mga leader ng G7 na isulong ang mapayapang solusyon sa agawan ng teritoryo sa South China Sea sa pulong sa Ise-shima, Japan, kamakailan.

Nagkasundo sina Duterte at Kawai sa tatlong usapin: Mahalaga ang reaksiyon sa ano mang magiging desisyon ng arbitral tribunal; kailangang mapangalagaan ang malayang paglalayag sa South China Sea; at isulong ang kooperasyon sa larangan ng seguridad sa pagitan ng Pilipinas at Japan. (Roy Mabasa)