Natagpuang palutang-lutang sa Pasig River ang bangkay ng isang lalaking pinatay muna sa bigti bago itinapon sa nasabing ilog sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay inilarawang nasa edad 30-35, may taas na 5’3”, payat, nakasuot ng brown na short pants at may tattoo sa kanang braso na “12 Huardinas Mhine Luzviminda” at “Aues 24” naman sa ibabang bahagi ng braso.

Hinihinalang pinatay muna sa bigti ang biktima bago itinapon sa ilog, dahil may nakapulupot na electrical wire sa leeg nito.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong 5:30 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa Pasig River, sakop ng Block 15 Staging Area sa Baseco Compound sa Port Area.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Bukod sa marka ng sakal sa leeg, may nakita ring bukas na sugat sa likod ng ulo at namamaga ang mukha ng biktima, na nakagapos ang mga kamay sa likod.

Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. (Mary Ann Santiago)