DUBAI (Reuters) - Nagsitakas ang 17 bilanggo mula sa isang kulungan sa Bahrain, at nagbabala ang gobyerno sa mamamayan laban sa pagkupkop sa mga ito.

Ayon sa Bahrain News Agency, 11 sa mga ito tumakas noong Biyernes ay nahuli na, at ang natitirang anim ay patuloy pang hinahanap. Inaresto rin ang limang iba pa na tumulong sa pagpaplano sa pagpuga.

Sinabi ng news agency na binigyang-babala na ni Interior Minister Sheikh Rashed bin Abdullah al-Khalifa, namamahala sa security meeting na magrerebyu sa pagtakas ng mga bilanggo mula sa Dry Dock Detention Center, ang Bahrainis na huwag kukupkupin ang mga takas na bilanggo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'