Ang mga pinakasikat na gamefowl breeder sa bansa ay muling magkakasubukan ngayon sa Iloilo Coliseum kung saan ang mga tinitingalang mga endorser ng Thunderbird ay maglalaban sa isang 5-cock derby na inaasahang dudumugin ng mga opisyonado ng Panay.

Magbibitaw ng kani-kanilang pinakamagagaling na tinale sina World Slasher champions Engr. Sonny Lagon; Nene Abello, Lance dela Torre; Joey Sy, Rey Briones, Gov. Baham Mitra; Mayor Jesry Palmares; Tol & Lino Mariano; Tan Brothers; Nestor Vendivil, Bebot Uy; Manny Dalipe, Lawrence Wacnang, Boy Tanyag, Engr. Sonnie Magtibay, Gov. Eddiebong Plaza; Pao Malvar; Joe Laureno at iba pa.

Magkukrus din ang landas ng 16 na lokal na mga bituin ng sabong sa Western Visayas ngayong araw sa Thunderbird Iloilo Challenge 5-Cock Local Derby para sa pagkakataong higit na mapabantog.

Sisiklab ang aksiyon sa pagitan ng mga locally grown na sasabungin sa banggaan ng mga cockfighting stars mula sa Iloilo, Capiz, Guimaras, Aklan, at Antique sa Iloilo Coliseum – ang larangan ng digmaan ng Candelaria fighters.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang mga kalahok sa labanang ito ay Thunderbird brand local endorsers na kilala sa kalakhang Western Visayas.

Ginaganap taun-taon sa mga pangunahing tourist destination sa bansa, ang Thunderbird Challenge ay unang nagpasiklab ng aksiyon sa Boracay noong 2010.