Hunyo 4, 1896 nang i-test-drive ni Henry Ford ang “Quadricycle,” ang unang sasakyan na kanyang idinisenyo. Siya noon ang chief engineer sa Edison Illuminating Company.

Ang kanyang 500-pound na sasakyan ay binubuo ng light metal frame na kinabitan ng apat na gulong ng bisikleta, at ginamitan ng two-cylinder at four-horsepower na gasoline engine. Gayunman, hindi nagtagal ay napag-alaman ni Ford at ng kanyang assistant na si James Bishop na mas malapad ang katawan ng sasakyan kaysa pangkaraniwang pintuan.

Minaneho ni Ford ang sasakyan, na walang reverse o kahit preno, sa Grand River Avenue sa Detroit. Ang sasakyan, na kayang tumakbo sa layong 20 milya kada oras, ay mayroong doorbell button bilang busina.

Pinag-aaralan ni Ford ang pagbuo ng karwahe na may makinang de-gasolina, na labis niyang kinahumalingan simula noong mabasa niya ang American Machinist magazine noong 1895.

Usapang Negosyo

₱10 na kita kada pastil, paano nakatulong sa pag-aaral ng isang iskolar sa Maynila?