Pinaalalahanan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Ariel Inton ang mga pampublikong sasakyan na tumalima sa 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe ng mga estudyante, na magbabalik sa mga paaralan sa Hunyo 13.

Ayon kay Inton, batay sa Section 13 ng Memorandum Circular 2011-004: “The PUV operator shall grant fare discounts to all pre-school, elementary, high school and college students.”

Aniya, malinaw na ang diskuwento ay para lamang sa mga piling mag-aaral at hindi kasama ang nag-aaral ng medisina, abogasya, masteral, doctorate, o iba pang katulad ng mga nabanggit.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Inton sa mga estudyante na ang diskuwento ay para lamang sa mga araw na may pasok.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang sinumang driver na mapatutunayang hindi nagbigay ng diskuwento ay pagmumultahin ng P2,000 sa unang paglabag; P3,000 at 60 araw na suspensiyon at pagkumpiska ng plaka sa ikalawa; at P5,000 multa at kanselasyon ng prangkisa sa ikatlong paglabag. (Jun Fabon)