BEIJING (AP) – Sinabi ng isang ulat mula sa consultancy na IHS Janes na dagdagan ng tumitinding tensiyon sa pinagtatalunang South China Sea ang paggasta sa depensa sa Asia-Pacific region ng halos 23 porsiyento sa pagtatapos ng dekada.
Ayon sa ulat na inilabas noong Huwebes, tataas ang total annual defense spending sa rehiyon mula $435 billion noong nakaraang taon sa $533 billion sa 2020.
Nakasaad dito na lalo nitong ibabaling ang global defense spending palayo sa Western Europe at North America patungo sa mga sumisiglang merkado, lalo na sa Asia.
Tuloy-tuloy ang paglubha ng tensiyon sa South China Sea, na itinulak ng pagpapalakas na militar ng China at mas pursigidong pag-angkin nito sa halos kabuuan ng mahalagang bahagi ng tubig sa gilid ng mga isla at bahura nito.
Lumikha ang Beijing ng mga bagong isla at nagtayo ng mga paliparan at iba pang imprastruktura sa mga ito.