Ang madugong Zamboanga siege, ang magnitude 7.2 earthquake na yumanig sa Bohol, at ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ang mga tinukoy ni Pangulong Aquino bilang pinakamatitinding hamon sa kanyang administrasyon na hindi niya malilimutan maging hanggang sa kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo 30.

“Lahat ng ibinigay sa akin ay napakahirap,” pahayag ni Pangulong Aquino. “Kung ako’y papipiliin ng isa, siguro ang Zamboanga siege na ‘yun.”

Matatandaan na nilusob ng mga tauhan ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari ang Zamboanga City noong Setyembre 9, 2013 at hinostage ang libu-libong residente sa lugar.

Mahigit 19 na tropa ng pamahalaan at 200 MNLF fighter ang napatay sa bakbakan sa Zamboanga City, na tumagal ng halos tatlong linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sariwa pa kay Aquino ang apela sa kanya ng mga residente ng Zamboanga City na tuldukan na ang krisis, at nangailangan ito ng isang agaran at matatag na desisyon subalit kailangan pa ring pairalin ang puso para sa mga inosenteng sibilyan.

“You don’t employ the final option unless very necessary and there’s reasonable chance of success and I think we’re very successful. Only two were not successfully retrieved, the two tried to escape before we launched our operations so they were shot by the rogue MNLF,” ayon kay Aquino.

Aniya, mahirap para sa kanya ang mag-utos sa mga sundalo sa urban warfare dahil may mga residenteng naiipit sa bakbakan.

“If the rogue MNLF was successful there, they might embark on other adventures. You would have to have a security sector confident of their Commander-in-Chief to be able to execute timely operations that will protect our citizenry,” giit ni Aquino. (Madel Sabater Namit)