Magkasunod na kabiguan ang agad na sumalubong sa koponan ng Pilipinas sa kampanya sa Pool D ng 2016 FIBA 3x3 Under-18 World Championships sa Astana, Kazakhstan .

Agad nalasap ng Pilipinas ang 11-21 kabiguan kontra sa world ranked No. 12 at nagtatanggol na kampeon na New Zealand na pinamumunuan ng kasalukuyang MVP na si Tai Wynyard bago sinundan ng 14-20 kamalasan sa world No. 5 Brazil.

Sunod na makakasagupa ng Pilipinasa ang No.4 Hungary, bago sundan kontra sa No. 20 na Spain.

Ito ang unang pagkakataon na hindi kasali sa koponan si Kobe Paras bagamat binubuo ito ng mahuhusay na youth players na sina playmaker Theo Flores at Joshua Sinclair.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang dalawa pang miyembro ay sina John Lloyd Clemente na mula National University, at Kyle Christian Tan. Si Theo Joshua Flores ay mula sa University of the Visayas, habang ang Filipino-Australian na si Sinclair ay mula Sacred Heart School-Ateneo de Cebu. (Angie Oredo)