TORONTO (AP) – Limang taong hinubog ni coach Dwane Casey ang Toronto Raptors para maging matibay na contender sa Eastern Conference.

Sa kanyang liderato, nakopo ng Raptors ang pinakamatikas na season sa kasaysayan ng prangkisa – Eastern Conference finals – kung kaya’t hindi kataka-takang naging mabilis ang aksiyon ng management para mapanatili si Casey sa Toronto.

Nagkasundo ang Raptors at si Casey sa tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng US$18 milyon, ayon sa panayam ng Associated Press sa opisyal na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Ayon kay Raptors GM Masai Ujiri, mabilis ang kanilang naging pagtugon para bigyan si Casey nang naayon na kontrata bilang pasasalamat sa kanyang nagawa sa prangkisa.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Namana ni Casey ang koponan noong 2010-11 at may kartang 22-60.

Nabuo niya ang koponan na palaban at marubdob ang hangarin na makasampa sa playoff.

“I really think we’re a step ahead in the process,” pahayag ni Casey.

“The players worked and put themselves in this process. We’re still a relatively young team to talk about competing for a championship, but they put themselves in that position by hard work and fighting through things this season.”