Ngayong nagsimula na ang tag-ulan sa bansa, pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na magdoble-ingat sa pagdaan sa mga bahaing lugar, partikular tuwing malakas ang ulan at natapat sa rush hour.
Tinukoy sa Flood Control Information Center (FCIC) ng MMDA ang ilang lugar na may posibilidad na bahain ngayong tag-ulan, upang maiwasan ng mga motorista.
Sa Maynila, karaniwan nang nalulubog sa baha ang España-Lacson, Maceda-Maria Clara, Maceda-Simoun, Maceda-Laonlaan, Rizal Avenue corner R. Papa, Recto malapit sa Morayta patungong Divisoria, Quirino Ave.-Taft Ave. patungong Roxas Blvd., P.Burgos sa harap ng Manila City Hall, at Taft Ave.-Malvar Street-Pedro Gil Street.
Binabaha naman sa Quezon City ang Maria Clara corner Araneta Avenue, Tatalon-Talayan Creek, Biak na Bato-Quezon Avenue, Tomas Morato, NLEX NB/SB-Balintawak, NLEX-A. Bonifacio, Commonwealth Ave.-Tandang Sora, Commonwealth Ave.-Bitoon Circle, Commonwealth Ave.-Visayas Ave., EDSA Muñoz, Timog, Quezon Ave.-Roxas District, at C-3-Sgt. Rivera.
Sa Makati City, iwasan ang baha sa EDSA corner Estrella, EDSA-Magallanes Tunnel, EDSA-Pasong Tamo, at Osmeña Skyway (SLEX Buendia).
Sa Pasay, karaniwan nang eksena ang baha sa Pasay Taft Rotonda at Macapagal Ave. malapit sa World Trade Center; gayundin sa Maysilo Circle, EDSA-Megamall at EDSA-Shaw Blvd. Tunnel sa Mandaluyong City.
Sa Taguig City, binabaha ang C-5 BCDA, C-5 McKinley, at C-5 Bayani Road; habang ang baha naman sa Muntinlupa City ay sa bahagi ng Montillano Street National Road, East Service Road, M.L. Quezon Road, San Guillermo Rd.; PNR Open Canal Multi-Land sa Putatan, PNR Track, JPA Subd. sa Tunasan, E. Rodriguez Ave., Arandia St., at MSSR.
Sa Parañaque City, bahain ang Ninoy Aquino Avenue, NIA Road-Macapagal at Sucat Rd. corner C-5 Ext.; Redemptorist/Taft Ave. Extension, Quirino Avenue corner Kabihasnan; Quirino Avenue-La Huerta Market; Sucat Road-Canaynay Road; Sucat Road-Fourth Estate; East Service Road corner Tanyag at Daang Batang Streets malapit sa E. Rodriguez Street
Binabaha naman sa Pasig City ang C-5 Bagong Ilog at C-5 Eagle; habang sa Las Piñas, bahain ang Quirino Ave. patungong Saulog, Quirino Avenue at ang malapit sa Naga Road, Alabang-Zapote Road, CAA-J. Tiongquiao Road, Tramo Line-Casimiro-Camella Subd., at Tramo Line-Casimiro Subd. F. Santos.
Sa Valenzuela City, binabaha sa MacArthur Highway malapit sa Fatima Medical Center University; sa Caloocan: Rizal Ave. sa pagitan ng 10th at 11th Avenue; sa Navotas City: North Bay Boulevard; sa Malabon City: Letre, Dagat-Dagatan Avenue Extension, General Luna, Dulong Duhat, Letre-Loscano kapag high tide, Gov. Pascual-Maria Clara, M.H. Del Pilar-San Vicente, at P. Aquino-Tonsuya.
Sinabi naman ni MMDA Chairman Emerson Carlos na handa ang ahensiya na magpadala ng mga flood control team at kagamitan sa nabanggit na mga lugar. (ANNA LIZA VILLAS ALAVAREN)