DALAWAMPU’T dalawang taong gulang na si Justin Bieber, ngunit baby pa rin, baby, baby at heart.

Mula sa kanyang Purpose tour, ang Sorry singer ay nagbabakasyon sa French Riviera kasama ang mga kaibigan. Habang naglilibot sa Saint-Tropez noong Miyerkules ng gabi, si Bieber, na nagsabing pagod na sa atensiyong ibinibigay sa kanya, ay nakunan ng litrato habang may subong pacifier na kulay asul at puti.

Oo, ang mahigit 20 taong gulang na international pop star ay sumisipsip pa ng tsupon.

Nitong unang bahagi ng linggo, inihayag ni Bieber na maglalabas siya ng bagong emoji app — gaya nina Kim kardashian at Blac Chyna — ngayon sa pamamagitan ng Apple Store. Sana naman ay may emoji siya na may subong pacifier. Inaabangan din ang emoji niya na walang suot na t-shirt. (Yahoo News/Celebrity)

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta