Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa selebrasyon ng ika-86 na kaarawan ng kanyang ina na si dating Sen. Loi Ejercito Estrada, ngayong Sabado.

Sa tatlong-pahinang resolusyon, hindi pinaboran ng anti-graft court ang mosyon ni Estrada na makahalubilo si Sen. Loi sa kaarawan ng huli dahil sa kakulangan ng merito.

Pinaalalahanan ng korte si Estrada na hindi rin nito pinayagan ang senador na makadalo sa ika-85 kaarawan ng dating senadora noong 2015.

“There being no new and compelling reason for digressing from the above-quoted ruling, the Court must, likewise, deny the present motion,” nakasaad sa resolusyon na nilagdaan ni acting Chairperson Rafael Lagos at nina Associate Justices Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta at Sarah Jane Fernandez.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakasaad din sa naturang resolusyon ang pagbasura ng Fifth Division sa hiwalay na mosyon ni Estrada na humihingi ng permiso sa korte upang magtungo sa Senado sa Hunyo 6-8 upang mag-alsa balutan dahil sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30. (Jeffrey G. Damicog)