Bagamat salungat ang kanyang opinyon sa iba’t ibang isyu, iginiit ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na dapat ipagpatuloy ang pag-cover ng media kay President-elect Rodrigo Duterte.

“Naniniwala ako na ang interes ng publiko ang nakasalalay kaya dapat tuloy lang ang coverage sa Pangulo, kung ano man ang kanyang opinyon,” pahayag ni Belmonte sa text message.

Ito ay bilang reaksiyon sa binitawang hamon ni Duterte sa media sa pulong balitaan sa Panacan, Davao City nitong Huwebes ng gabi, na itigil na ang pagko-cover sa kanya kung hindi nila type ang mga binibitawan niyang pahayag.

Bago nito, nanawagan ang Reporters Sans Frontieres (RSF-Reporters Without Borders) sa pahayag ni Duterte na biktima ng pamamaslang ang ilang mamamahayag dahil sangkot ang mga ito sa katiwalian.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Boycott me. I urge you. You know before I ran for president, nobody knew me,” hamon ng 71-anyos ng President-elect.

Samantala, umaasa si 1-BAP Party-list Rep. Silvestre Bello III na magkakaintindihan din ang media at si Duterte kapag dumating na ang panahon na natupad na ng susunod na leader ng bansa ang kanyang mga binitawang pangako noong panahon ng kampanya.

“If president Duterte delivers on his pledge against drugs, criminality, and corruption, media may be compelled to cooperate with him,” ani Bello, na susunod na kalihim ng Department of Labor and Employment (DoLE).

“Sana’y mabigyan siya ng pagkakataon ng media. He has a dirty mouth but he will give you a clean government,” ayon kay Bello. (ELLSON A. QUISMORIO)