ILOILO CITY – Isang dalawang taong gulang na bata ang nasawi habang 26 na iba pa ang nailigtas makaraang lumubog ang isang bangkang de-motor sa bayan ng Banate sa Iloilo.

Kinilala ni Lt. Jomark Angue, hepe ng Philippine Coast Guard (PCG)-Iloilo, ang nag-iisang nasawi na si Jerico Palma Dela Cruz.

Ayon sa salaysay ng mga nakaligtas, na karamihan ay mula sa bayan ng Dumangas, nagtungo sila sa isang resort sa Banate upang magdiwang ng kaarawan ng isa sa kanila, pero dahil sa biglaang paglaki ng alon, dakong 3:00 ng hapon nitong Huwebes, ay biglang lumubog ang bangka.

Agad namang nailigtas ng mga nagdaraang bangkang pangisda ang mga pasaherong sina Catherine Saysa, JM Berleotte, Criscia Mae Sausa, Francisco Palma Jr., Josephine Grajo Palma, Maria Palma, Federico Palma, Sayros Palma, Sacker Palma, Jaylen Palma, Recolen Palma.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nailigtas din sina Alai Depositario, Teodoro Bemihagan, Salvacion Bemihagan, Sherelyn Bersabal, Shiela Bemihagan, Francis Bemihagan, Theodore Bemihagan, Jhon Sheilo Bemihagan, Ashly Nicole Plores, Ailee Kieth Plores, Mark Jeavrel Plores, at Xian Yuseff Bersabal. (Tara Yap)