Sa kabila ng pangako na bibigyan si President-elect Rodrigo Duterte ng isang taong honeymoon period, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi siya pabor sa mga plano ng kanyang successor na hero’s burial para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at pagkakaloob ng pardon sa nakadetineng si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ikinatwiran ng Pangulo na si Marcos ay hindi karapat-dapat na mailibing sa Libingan ng mga Bayani, habang dapat na harapin ni Arroyo ang mga nakabimbin na kasong katiwalian sa korte.

“Kaisang-isang libingan na distinctive na talagang parang honor na ipinagkakaloob sa mga taong talagang may ginawa para sa lipunan,” sabi ni Aquino sa isang panayam sa telebisyon noong Miyerkules kaugnay ng panukalang hero’s burial para kay Marcos.

Sa paniniwala naman ni Duterte na dapat nang palayain si Arroyo dahil sa mahinang kaso laban dito, sinabi ng Pangulo na patuloy siyang naninindigan sa mga kasong inihain ng Department of Justice laban sa dating lider. “We believe the evidence is strong,” dagdag ni Aquino.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi siya magsasalita kaugnay ng papalit sa kanya bilang bahagi ng kanyang self-imposed rule na bigyan ng isang taong honeymoon period si Duterte.

“I promised that I will not comment on my successor, incoming assumption of office at least for a year. I would want to grant him that which was not granted to me,” sabi ni Aquino sa panayam ng Manila Bulletin noong Lunes.

Pinili ng Pangulo na bigyan ang kanyang kapalit ng pagkakataon na patunayan ang sarili nito matapos dibdibang mangampanya laban kay Duterte dahil sa umano’y dictatorial tendency ng huli. Ilang araw bago ang halalan noong Mayo, nagbabala si Aquino na lalabanan niya ang anumang pagbabalik sa diktadurya kahit magiging kapalit nito ang kanyang buhay.