HALOS tapos na si President-elect Rodrigo R. Duterte sa pagpili ng mga taong bubuo ng kanyang Gabinete. Kabilang na sa mga napili sina Perfecto Yasay, Sal Panelo, Manny Piñol, Jess Dureza, at Bebot Bello.
Si Prof. Yasay, isang visionary leader at eksperto sa international law, ay isang matalinong pagpili upang pamahalaan ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Ngayon pa lamang, plano na ni Yasay na ipagpatuloy ang bilateral talks sa China upang maisaayos ang mga teritoryo ng bawat bansa, at pati na rin ang pagsusuri sa legalidad ng kasunduan sa pangingisda.
Yasay, na may magagandang record sa serbisyo-publiko, ay naniniwalang walang ibang paraan upang maisaayos ang problema sa pagitan ng China, kundi sa pamamagitan lamang ng maayos na pag-uusap.
Sa totoo lang, ang pakikipag-usap sa China ay talagang kinakailangan alang-alang sa epektibong implementasyon ng arbitral ruling.
Tama rin ang pagkakapili kay Atty. Panelo, pinagkakatiwalaang abogado ni Mayor Duterte. Nais niya naging patas at walang kinikilingan sa hanay ng mga mamamahayag. Naniniwala siya na lahat ng media men, nasa malaking kumpanya man o maliit na media outfits, ay may pare-parehong responsibilidad. Si Panelo ay regular na miyembro ng Sunday Club.
Si Sal, kung siya ay tawagin ng nakararami, sa kanyang adbokasiya at karanasan sa broadcast journalism ay nagnanais na mapagtuunan ng provincial press ang napakaraming gawain sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga tao, lalung-lalo na ang mga taong nasa rural communities.
Sa tingin si Sal, kinakailangang magkaayos at magtulungan ang maliliit at malalaking media organization upang maabot ang mga layunin ng susunod na administrasyon.
Si Manny Piñol, isang mahusay na mamamahayag at nakatanggap na ng napakaraming parangal sa public service, ay pasok din sa Gabinete ng susunod na administrasyon upang siguruhin ang supply ng pagkain sa ating bansa. Si Manny, bilang secretary of agriculture, ay naniniwalang kaya niyang gawing food producer ang bansa at exporter ng agricultural products.
Gaya nila, tama rin ang pagkakapili ni President-elect Duterte sa nirerespetong Mindanao-based journalist na si Jess Dureza. Bilang peace process negotiator, sina Jess at Bebot Bello III ay may marching order upang simulan ang pakikipag-ugnayan kay Jose Ma. Sison. (Johnny Dayang)