MEXICO CITY (AFP) – Inulan ng batikos ang isang Mexican political party sa pagdala ng topless na kababaihan na may body paint sa isang campaign event na nagsusulong ng women’s rights bago ang halalan ngayong weekend.
Lumabas ang apat na kababaihan sa okasyon noong Martes sa Mexico City na nakasuot ng mga puting pantalon at asul na pintura sa kanilang mga dibdib at tiyan -- ang mga kulay ng New Alliance Party. Nakapintura ang mga katagang ‘’free yourself’’ sa kanilang mga likod, sa ilalim ng iginuhit na nakabukas na bra. Tumayo sila kasama si New Alliance leader Luis Castro, na ngumiti at pumalakpak sa harapan ng banner na mababasang ‘’For the Women and Girls of Mexico City.’’
Isinasara ng partido, kaalyado ng ruling Institutional Revolutionary Party sa Congress, ang kampanya nito para sa puwesto sa constitutional assembly sa kabisera.
Binatikos ng National Women’s Institute ng gobyerno ang okasyon, sinabi na ‘’[we] condemns and regrets the existence of political campaign strategies that denigrate women by exhibiting them as objects and repeating the sexism and stereotypes that encourage discrimination and violence.’’
Binatikos din ito sa social media, ng Twitter users na nagsulat ng ‘’misogynists,’’ ‘’very vulgar’’ o ‘’how degrading.’’