Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng mga miyembro ng Automated Elections Systems (AES)Watch laban kay dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na humihiling ng pagpapalabas ng writ of habeas data.

Ang petisyon ay inihain sa pangunguna nina dating Comelec Commissioner Gus Lagman, Prof. Nelson Celis, Dr. Pablo Manalastas, Bishop Broderick Pabillo at iba pa para kuwestiyunin ang pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa hiling nilang writ of habeas data sa desisyon nito noong Setyembre 3, 2015 at Pebrero 2016.

Aktibo ang Ang AES Watch sa pagtutol sa paggamit ng precinct count optical scan o PCOS machine noong 2013 automated elections.

Nag-ugat ang petisyon sa paratang na ginamit umano ni Brillantes ang intelligence fund ng Comelec para sila ay espiyahan at makakalap ng impormasyon para sa paghahain ng kaso laban sa mga balak manabotahe sa eleksiyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kaya para maprotektahan umano ang kanilang right to privacy, dapat umanong magpalabas ang hukuman ng writ of habeas data.

Pero hindi kinatigan ng Korte Suprema ang mga petitioner dahil wala naman daw patunay na nangalap ang mga respondent ng impormasyon sa ilegal na paraan at para sa ilegal na layunin. (Beth Camia)