Oly Rio Paralympics 100 Days

RIO DE JANEIRO (AP) — Mas malaki ang tsanyang dapuan ng Zika virus ang Paralympians kaysa mga regular na atleta na sasabak sa Rio Games, ayon sa pahayag ng International Paralympic Committee.

Ayon kay Peter Van de Vliet, pangulo ng IPC, sa kabila ng nakaambang banta, walang Paralympic athletes ang nagpahayag ng pag-atras sa quadrennial Games.

"Having said that, we do have a certain athlete population that might be a bit more vulnerable to infection," pahayag ni Van de Vliet.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

"There is definitely, by the nature of certain impairments, a group of athletes that might need a little higher threshold to fight an infection,” aniya.

Nakatakda ang Paralympics sa Setyembre 7 kung saan 4,350 atleta ang sasabak sa torneo na gaganapin matpos ang Olympics na nakatakda sa Agosto 5-21.

Iginiit ni Van de Vliet na ang mga atleta na nagtamo ng pinsala sa spinal-cord, gayundin ang may cerebral palsy ay mas madaling dapuan ng impeksyon.

"Also, you should never forget that these are athletes. That means that across the board their resistance to any kind of negative impact is — by default — a little higher than the normal (impaired) population,” aniya.

Pinangangambahan ang Zika virus na talamak sa mga bansa sa Central America, kabilang na ang Brazil. Ang naturang virus ay itinuturong dahilan sa pagkakaroon ng depekto sa utak at ulo ng sanggol.

Ilang malalaking pangalan tulad nina basketball star Pau Gasol, tennis player Serena Williams, at golfer Rory McIlroy ang umatras na sa paglahok sa Rio Games.