OAKLAND, California (AP) — Nasunod ang game plan ni Cleveland Cavaliers coach Tyronn Lue na mapigilan sa pagtipa ang matikas na “Splash Brothers” nina Stephen Curry at Kyle Thompson sa Game One.

Subalit, tila hindi nila napaghandaan ang sitwasyon sa sandaling rumagasa ang bench ng Warriors.

“For the most part I’m pleased with what we did defensively against Steph and Klay,”sambit ni Lue. “Their bench did a good job for them.”

Kahanga-hanga ang bench ng Warriors na nadomina ang Cavaliers sa 45-10, at naisalpak ng Warriors ang 25 puntos mula sa 17 turnover ng Cleveland.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We can’t gift them points like that. We’ll be better next game,” pahayag ni Lue.

Nakatakda ang Game Two sa Oakland sa Linggo (Lunes sa Manila).

Nakapanghihinayang para kay Lue ang kaganapan, higit at hindi nila nagamit na bentahe ang malamig na opensa nina Curry at Thompson at maisuko ang laban sa 89-104 kabiguan.

Kondisyon si James sa 23 puntos, 12 rebound at siyam na assist, gayundin ang bahagi ng kanilang ‘Big Three’ na sina Kevin Love na tumipa ng 17 puntos at 13 board, at si Kyrie Irving na may 26 na puntos.

Ngunit, wala silang naipantapat sa daluyong ng Warriors bench.

Dinugo ang opensa nina Curry at Thompson na salit-salitang dinepensahan nina James, Irving, J.R. Smith, Iman Shumpert, at Matthew Dellavedova.

“This was a strange game for us,” pahayag ni Warriors coach Steve Kerr.

“We’re not used to having both Steph and Klay off like that with their shooting.”