Garie copy

HINDI pala sinabihan ni Michael Pangilinan ang girlfriend niyang si Garie Concepcion na aaminin niya ang relasyon nila sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda.

Ito ang kuwento ng dalaga nang makatsikahan namin sa advance screening ng Pare, Mahal Mo Raw Ako na isa sa mga bida ang boyfriend niya.

“Opo, hindi ko po alam, hindi niya sinabi sa akin, even after he was interviewed, he message me, ‘manood ka, nakakatuwa ‘yung interview’. So ako naman, hala, sige nasa bahay, nood naman ako, ‘tapos ‘yun,” napangiting sabi ng dalaga.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

Dahil umamin na ang binata, hindi na makakapag-deny si Garie.

“Madi-deny ko pa po ba,” nakangiti pa ring sabi ng dalaga. “Opo, ready na po, nakakataba ng puso na to know someone is proud to be with you, so it’s a good surprise naman po.”

Hindi itinanggi ni Garie na kamakailan lang sila naging magkasintahan pero tulad ni Michael, ayaw niyang magbigay ng detalye.

“Bago pa lang po talaga. Huwag na po, alam n’yo na po, sa amin na lang po.”

Ang nagustuhan ni Garie sa boyfriend niya, “Napakalambing po ni Michael at maalaga.”

Samantala, kilalang pamilya ang mga Ibuna at Concepcion kaya natanong si Garie kung paano siya napasagot ng binata na buong pagpapakumbabang umamin na hindi ito nabibilang sa social class ng dalaga at inamin din na matagal siyang nanligaw.

“Opo, nagpa-girl muna ako, nagpakipot muna,” pabirong sabi dalaga. “Hindi, ah, ano po kasi, ‘yung one thing na napa-convince ako ni Michael, niligawan n’ya po talaga ‘yung family ko, especially ‘yung mom ko. Ako po kasi, napaka-close ko kay Mommy, so the fact na nagkakasundo po sila, okay na po ‘yun.”

Gustong makilala ng kanyang ama, si Gabby Concepcion, si Michael.

“Hindi pa po, pero alam naman po ni Papa ‘yung mga nangyayari sa akin, tinatanong niya lang po kung kailan niya makikilala si Michael, sabi ko, ‘soon.’

“Alam din po ng mga sister ko, kay Ate (KC Concepcion) ko po sinabi, siyempre nagkakuwentuhan kami ni Ate. Sabi ni Ate (KC), just enjoy, ‘yun lang din naman po ang advise ni Mommy, nandoon pa lang naman po kami ni Michael na we’re just enjoying each other’s company,” kuwento ng dalaga.

May kantang sinulat sina Michael at Garie.

“Actually, po on June 10, I will be releasing my album po, digital album sa Spotify and kami po ni Michael ‘yung nag-co-write. The title is Umaasa, nothing do to with situation, ang nangyari po kasi ro’n, jamming lang kami sa bahay. Tumutugtog po kasi ‘yung kaibigan ng brother ko, ‘tapos nag-sing-along siya, ginawan niya ng lyrics ‘tapos dinugtungan ko lang. Hanggang sa naging buong kanta na siya,” nakangiting kuwento ng dalaga.

Sino ang mas matanda sa kanila ni Michael?

“Ako po, seven years po. Ako po kasi na in a relationship to work, kailangan dalawang tao. And honestly po, si Michael is very matured for his age, minsan po yata nakakalimutan niya ‘yung totoong edad niya, and his telling me nga na dahil sa anak niya kailangan niyang mag-mature and I think, everything happens for a reason so wala naman po kaming problema ni Michael kung sino ang mas mature o sino ang mature, wala naman po.

“Tanggap ko po ang baby niya, kasi sabi ko nga, who am I to judge kasi lumaki rin po ako na tinanggap ng stepfather ko. Saka ang importante po ay kung ano ngayon si Michael, hindi na ‘yung kung ano’ng nangyari, what’s important to me is paano siya maging dad, and what I see naman po is napaka-hands on niya, responsible dad siya,” pagmamalaki ni Garrie sa kanyang boyfriend. (REGGEE BONOAN)