Simpleni copy

UNA naming napanood si Simpleni sa Sunday Pinasaya (SP) at inakala namin nang lumabas siya na siya talaga si Vice-President Leni Robredo. 

Medyo payat lang siya pero kahawig siya talaga, maging ang kanyang hairstyle, ‘tapos naka-yellow shirt pa siya at ganoon din siyang magbitiw ng salita. 

Natanong namin sa staff ng SP kung sino si Simpleni. Sagot lang niya, “Siya po si Joierie Pacumio ng Live AIDS ng UP.”

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

Si Joierie ay 27 years old, isang company employee na may talent din sa scriptwriting. Siya ang sumulat sa monologue na ala-Leni na ginamit niya sa musical play na Live AIDS staged by the academic organization ng UP SAMASKOM na nang mapanood sa Facebook noong April 27, nagkaroon ito ng mahigit na one million views. 

Na-interview si Joie ni Aubrey Carampel sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras.

“Umikot tayo sa pagiging simple ni Ma’am Leni hanggang sa nanganak na. So, paano mo gagawin na nakatatawa na hindi naman aabot na babastusin natin siya. Kasi kagalang-galang namang tao si Madam Leni,” sabi ni Joie. “Lumaki pa ang paghanga ko nang makilala ko na siya nang personal sa isang campaign sortie bilang si Simpleni na ako. Una kong kita sa kanya naramdaman ko talaga ‘yung kababaang-loob niya, iyong pagiging grounded niya considering na ganito siya katanyag at ganito kataas iyong posisyon niya.”

Tinanong daw siya ni Cong. Leni noon kung gaano katagal niya pinag-aralan ang pagganap bilang Simpleni. Sinabi niyang one week lamang dahil hindi naman siya talaga ang gaganap bilang Simpleni pero nagkaroon ng last minute switch kaya madali lang ang preparation niya para sa debate ng Live AIDS.

“Inimbita ako ng staff sa send-off sortie sa Quezon Memorial Circle. Doon ko siya unang nakita nang personal, maraming nagpapa-picture sa kanya, nakatingin lang ako sa malayo. Nang malaman niyang nandu’n ako, pinalapit ako ng staff at pagkakita niya sa akin, sabi niya, ‘Uy, you know I have the same dress.’ Sabi ko sa kanya, ‘I intentionally copied the dress.’

Pagkatapos noon, lagi na silang magkasama sa kampanya at sabi raw sa kanya, “Sana mahikayat pa natin ang mga tao.”

Ngayon ay patuloy na ginagampanan ni Joierie ang role ni Simpleni at madalas na siyang mag-guest sa TV. Sa Linggo nga, June 5, muling maggi-guest si Joierie sa Sunday Pinasaya upon the request ng televiewers dahil daw Vice President na si Ma’am Leni Robredo. 

Ano ang nararamdaman niya ngayon?

“It’s really overwhelming. Nandu’n pa rin ako sa point na ‘di ko ma-handle ‘yung mga compliments.” (NORA CALDERON)