KABILANG sa Gabinete ni Pangulong Digong ang ilan sa mga inirekomenda ng National Democratic Front (NDF). Sila ay sina Rafael Mariano, bilang Kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR); Judy Tagiwalo, Department of Social Welfare and Development (DSWD); at Leonor Briones, Department of Education (DepEd).

Hindi sila mga pulitiko at hindi rin sila miyembro ng NDF. Ayon na rin sa NDF, inerekomenda nila ang mga ito dahil tulad nila, progresibo ang mga ito na mag-isip.

Sa panahon ni Briones, iiral na ang Kto12 educational program na malaking problema ng mga guro at mag-aaral.

Sa hangarin ng gobyerno na maging dekalidad ang edukasyon at maging competitive ang ating mga mag-aaral sa mga kapwa nila taga ibang bansa, marami naman sa ating mga guro ang mawawalan ng trabaho. Dagdag-pasanin naman ito sa mga mag-aaral na hindi tinatantanan ng pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin sa pag-aaral. Paano maninimbang sa isyung ito si Briones? Dekalidad na edukasyon o paglala ng kahirapan?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang DSWD, sa panahon ni Pangulong Noynoy, ay umani ng katakut-takot na batikos. Kasi, hindi umabot sa mga nagipit na mamamayan, lalo na iyong mga biktima ng kalamidad, ang tulong mula sa gobyerno, o kung umabot man, ay patingi-tingi lamang. Ang inimbak ng DSWD na bigas para ipamahagi at pakinabangan ng mga nangangailangan ay nabulok lamang. Ang hinirang ni Pangulong Digong na kalihim na si Tigawalo ay matagal na nanungkulan sa pribadong kapasidad sa mga nasa laylayan ng lipunan. Nakulong nga ito ng limang taon sa pagtulong sa mga inapi ng diktadurang Marcos. Dahil nasa puso niya ang kapakanan ng mga dukha, may kasiguruhan na hindi masasayang ang tulong ng gobyerno sa kanila.

Sa kauna-unahang panayam kay Mariano pagkatapos niyang mahirang, sinabi niyang ibibigay na ng kanyang departamento ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka. Matagal nang nanatili na buo ang malawak na lupaing ito dahil sa huwad na pagpapairal ng Land Reform Law. Ito ang dahilan kung bakit napakahirap ipairal ang batas na ito sa iba pang lupain gaya ng Hacienda Luisita at mga lupaing patuloy na nakatiwangwang at hindi nagagamit ng bansa sa kapakanan ng lahat.

Kapag nagtagumpay si Mariano sa una niyang hakbang, walang dahilan para mabigo siya sa iba. Kapag ipinagpatuloy nina Briones, Tigawalo, at Mariano ang kanilang dating gawain ngayon nasa gobyeno na sila, hahatak sila ng magiging kauri nila. O kaya, sila ang mauunang mapatalsik sa gobyerno dahil nangibabaw ang mga malakas at makapangyarihang taong kanilang nasagasaan. Hindi sila tulad ng iba na lalamunin o magpapalamon sa bulok na sistema.