Isang dating pulis, na nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal, at kanyang kinakasama ang natagpuang patay at tadtad ng tama ng bala sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Caloocan City Police chief Supt. Ferdie del Rosario ang napatay na si Richard Guiab, 34, dating nakatalaga sa Bulacan Police Provincial Office, at residente ng Area C, Barangay 175, Camarin, Caloocan City.

Nakilala ang live-in partner ni Guiab na isang “Devorah.”

Kapwa tadtad ng bala, natagpuan ang bangkay ni Guiab sa tabi ng kanyang Kawasaki motorcycle (PY-8743) habang ang kay Devorah ay nasa tapat ng Maranatha Christian School sa Jasmine Street, dakong 2:30 ng hapon nitong Miyerkules.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Siyam na basyo ng bala ang natagpuan ng mga imbestigador sa crime scene.

Napag-alaman din ng pulisya na sinibak sa serbisyo si Guiab bunsod ng patung-patong na kasong kriminal at administratibo na kanyang kinahaharap, kabilang ang robbery, drug pushing at carnapping. (Ed Mahilum)