NANGAKO si President-elect Rodrigo Duterte na magiging matatag at tutuparin ang pagsugpo sa kurapsiyon, droga at kriminalidad.
Inanunsiyo rin ni Duterte ang kumpletong listahan ng kanyang Gabinete, sinabi rin niya na “they are all men of integrity and honesty.”
Sinabi rin nito na kinakailangan magtrabaho at maging epektibo ang mga taong kanyang itinalaga.
“I will be harsh. I will be harsh with corruption, I will be harsh,” pahayag ni Duterte sa press conference matapos ianunsiyos ang kumpletong listahan ng kanyang Gabinete.
Huwag nakawin o pakialaman ang pondo ng bayan, babala niya.
Ipinangako rin ng nakaambang pangulo na magiging mahigpit siya laban sa ilegal na droga, krimen at pang-aabuso ng
ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang hindi kinakailangang temporary restraining order (TROs) na iniisyu ng korte.
Walang makalulusot na makasalanan at pasaway, ani Duterte.
Nanawagan din si Duterte na government offices na solusyunan ang mahahabang pila at matagal na proseso sa pagkuha ng dokumento, at ipinag-utos na tapusins ang lahat ng public transaction sa loob ng 72 oras.
Huwag niyong hayaan na mabigo itong maipatupad maliban na lamang kung may sapat na paliwanag, sinabi ni Duterte sa kanyang Gabinete.
Pagdating sa negosyo, nangako si Duterte na: “I will level, really level the playing field”.
Pagdating sa judiciary, isang co-equal at independent branch, sinabi ni Duterte na makikipag-ugnayan siya sa mga awtoridad upang matuldukan na ang pang-aabuso sa pag-iisyu ng temporary restraining orders (TROs).
“TRO nang TRO. TRO simply means money for the judges. They have to stop it,”sambit ni Duterte.
“People outside Davao do not know me. Why did they vote for me and give me a 16 million mandate? It could only meansthat people do not want corruption. They do not want their money put inside the pockets of workers of government,” diin ni Duterte.
Kung kaya’t, sinabi ni Duterte, na lilinisin niya ang “corrupt agencies” gaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at marami pang iba.
Itigil na ang kurapsiyon, itigil na ang panlalamang at pandaraya, utos niya.
Pagdating naman sa ilegal na droga, sinabi ni Duterte na tututukan niya itong mabuti at magkakaloob siya ng gantimpala sa mga taong magsusuplong sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga na aabot sa P50,000 hanggang P3 milyon.
(Fred M. Lobo)