Siyam na katao na ang namatay, karamihan ay mga bata, at 963 iba pa ang nakaratay sa sakit na diarrhea sa 10 bayan sa apat na lalawigan ng Eastern Visayas, iniulat ng Department of Health (DoH) nitong Huwebes.

Sinabi ni Roderick Boyd Cerro, hepe ng DoH regional epidemiology and surveillance unit, na nagmadali ang kanilang opisina na pigilan ang outbreak na nakaapekto sa ilang lugar sa rehiyon simula nitong ikatlong linggo ng Mayo.

“Contamination of drinking water sources brought by sudden rainfall is the major cause why we have sporadic cases of diarrhea,” sabi ni Cerro sa panayam sa telepono.

Nag-ulat ng tig-dalawang namatay ang Catbalogan City, mga bayan ng Calbiga, Talalora, at Sta. Rita sa Samar province o kabuuang walong namatay. Ang ikasiyam na namatay ay mula sa Sta. Margarita, Samar. Karamihan ng mga biktima ay mga batang nasa 10 taong gulang pababa, ayon kay Cerro.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Ang Hilongos, Leyte ang may pinakamaraming nagkasakit na umabot sa 316, sinusundan ng Calbiga, Samar na may 215. Sa Samar, iniulat ang mga kaso sa Catbalogan City (172), Sta. Rita (113), Talalora (28), Pinabacdao (19), Sta. Margarita (11), at Basey (five). Ang iba pang apektadong lugar ay ang Lavezares sa Northern Samar (30), at Jipapad sa Eastern Samar (54).

Sinabi ni Elena Villarosa, DOH Eastern Visayas regional information officer, na nagpadala na sila ng mga grupo sa Gamay, Las Navas, at Lavezares sa Northern Samar upang imbestigahan ang mga bagong iniulat na outbreak ng diarrhea. (PNA)