Calvin at Taylor copy

TinAPOS na nina Calvin Harris at Taylor Swift ang kanilang relasyon dahil “intimidated” umano ang una sa tagumpay na nakakamit ng huli, pahayag sa People ng kaibigan ni Swift.

Maraming source ang nagkumpirma sa People nitong Miyerkules na tinapos na ng dalawa ang kanilang relasyon makalipas ang 15 buwang pagsasama, at may nagsabi pa na “no drama” na nangyari.  

“[Harris] said on multiple occasions that he was intimidated by Taylor, which is why he would not attend any events where she was being honored, or any award shows unless he was nominated,” paliwanag ng kaibigan ni Swift.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Hindi sinamahan ni Harris, 32, si Swift nang maging co-chair ito sa Met Gala noong nakaraang buwan, maging sa Grammys ceremony noong Pebrero, at maging sa pagtanggap ng parangal ng Bad Blood singer sa May BMI Pop Awards.

Ngunit pinananatili ni Swift na nakataas ang kanyang noo sa mga nangyayari, ayon sa kanyang kaibigan. “Taylor is an independent young woman, and she realizes it will take a very secure man to handle her success,” pahayag ng kanyang kaibigan. 

Isang source na malapit kay Harris—na nagdesisyon umanong tapusin ang relasyon—ang nagsabi sa People na ang paghihiwalay ng dalawa ay “wasn’t a shock” para kay Swift dahil sa dami nilang pinagdadaanan. “They come from very different worlds,” pahayag ng source na malapit kay Harris. “Taylor is used to being treated a certain way.” 

Idinagdag pa ng source na hindi nararamdaman ni Haris na “leading anywhere” ang relasyon. 

Sina Swift, 26 at Harris ay nagsimulang magka-date noong Marso ng nakaraang taon, at unang umaming may relasyon sa Billboard Music Awards makalipas ang isang buwan. Tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas, ang dalawa ay nagbakasyon pa para ipagdiwang ang kanilang isang taong anibersaryo bilang magkasintahan. 

“It wasn’t an equal relationship. Their age difference might not be significant for many couples, but for them it was part of the problem too,” pahayag ng source ni Harris. “Taylor somewhat lacks real-life experience. They will not be getting back together.”

 

Sa kabila nito, sinabi ng source na mataas pa rin ang paghanga ni Harris kay Swift, sinabi nito na, “very much admires her as a person and what she has been able to do with her career. This is what drew him to her in the first place. 

“She works incredibly hard for things that she believes in,” ayon pa sa source ni Harris. “He always saw that as an amazing quality. They are still friendly.” (People.com)