Sisiyasatin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang insidente ng “tanim-drugs” sa isang GrabCar unit, na bumiktima sa dalawang pasahero nito.

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang “Joy” , isang Allan Enriquez Rivera ang driver ng GrabCar unit na sinakyan niya, kasama ang kanyang kaibigan, dakong 12:20 ng umaga nitong Lunes, papunta sa City of Dreams sa Maynila.

Aniya, isang Mitsubishi Mirage, na may conduction sticker NJ-0361 na miyembro ng GrabCar, ang kanilang nasakyan hanggang sa pansamantala silang tumigil para magpa-gasolina sa Shell Station.

Nang mga panahong iyon, biglang sinabi ng driver sa kanila na huwag na nilang ituloy ang kanilang balak at huwag na raw siyang idamay sa anumang kalokohan ng dalawang pasahero.

Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito

Pinababa sila ng driver at sinabihan nito ang mga gasoline boy na tinaniman daw ito ng ilegal na droga ng dalawang pasahero, na iniwan sa ilalim ng upuan.

Dito na humingi ng P5,000 ang driver para kalimutan na umano ang insidente.

Sinabi ni Joy na mistulang bangag ang driver at dito na sila naiyak dahil na rin sa pinagsamang takot at trauma.

Agad na ipatatawag ng LTFRB ang operator at driver ng nasabing GrabCar unit para humarap sa ahensiya sa Hunyo 8, sa ganap na 2:00 ng hapon. (Jun Fabon)