RIO DE JANEIRO (AP) — Sa kauna-unahang pagkakataon, isang koponan na binubuo ng mga atleta mula sa iba’t ibang tinakasang bansa ang sasabak sa Olympic Games sa Rio de Janeiro.

Kabilang sina Popole Misenga at Yolande Mabika, parehong judokas mula sa Congo, ang mga kandidato para sa refugee squad. Anila, ang pagkakapili sa kanila kung pahihintulutan ay magsisilbing karangalan para sa mga kapwa nila refugee na pinagkaitan ng maayos na pamumuhay sa iniwang bansa.

“For me, this is incredible because a refugee has never participated in the Olympics before,” sambit ng 24-anyos na si Misenga.

“The whole world will be watching.”

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Inaasahang ipahahayag ng International Olympic Committee (IOC) ang listahan ng mga atleta na isasama sa Refugee Olympic Team matapos ang pagpupulong sa Biyernes. Ayon sa IOC, may kabuuang 43 atleta ang kanilang sinasala para makasama sa 10-man team. Dadalhin nila ang watawat ng Olympic.

Tulad nang ibang atleta, tinakasan nina Misenga at Mabika ang kanilang bansa matapos pumutok ang civil war sa Central Africa.