TINUTUKAN ng mga manonood sa buong Pilipinas ang pagsisimula ng ikatlong season ng top singing competition sa bansa na The Voice Kids sa ABS-CBN. Ito ang naging numero uno at pinakapinanood na programa sa bansa noong nakaraang weekend.
Sa resulta ng viewership survey ng Kantar Media, pumalo sa national TV rating na 35.6% ang The Voice Kids noong Sabado (May 28) na halos doble ang lamang sa kalabang programa sa GMA na Pepito Manaloto, na nakakuha lang ng 17.9%.
Noong Linggo (May 29) naman, nagtala ang The Voice Kids ng 36.6%, o higit sa 22 puntos na mas mataas sa 14.1% ng Ismol Family.
Hindi lang sa TV namayagpag ang pilot episode ng The Voice Kids kundi maging sa online world. Pinag-usapan din ang programa sa pag-aabang ng unang batch ng young artista na magpapabilib sa coaches na sina Lea Salonga, Bamboo, at Sharon Cuneta. Kaya ito rin ang naging numero unong trending topic at nakakuha ng mahigit sa 10 sa 20 trending topics sa Pilipinas at worldwide sa Twitter.
Sa pagsisimula ng isa na namang exciting na season ng top-rating at Twitter-trending singing competition, agad na naging mainit at matindi ang bakbakan ng coaches sa kanilang pag-aagawan ng artists na mapupunta sa kani-kanilang team.
Pasok na sa Team Lea o Familea si Eleana, rapper-singer na si Peter, three-chair turner na si Yessha, at musical theater artist na si Noel.
Nakakuha naman ng tatlong artists ang Team Sharon na binubuo ng pinakabatang artist ngayong season na si Iya, ang devoted son na si Timoty, at and kiddie folk dancer na si JP.
Nakuha naman ni Coach Bamboo para sa Kamp Kawayan ang Boracay bandista na si Xylein.
Sinu-sinong artists pa kaya ang papasa sa pandinig ng tatlong coaches?
Huwag palampasin ang The Voice Kids tuwing Sabado, 7:15 PM at Linggo, 7 PM sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.ph para sa Sky subscribers.