PARIS (AP) — Kung walang ulan na papatak sa Roland Garros, matutunghayan ang nabimbin na laban nina Richard Gasquet at Andy Murray sa French Open quarterfinal sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Matapos ang magkahiwalay na pagwawagi sa third-round nitong Linggo, natigil ang laban bunsod nang walang humpay na pag-ulan nitong Lunes hanggang Martes.

Kabilang sa crowd ang second-seeded na si Murray para panoorin ang itinuloy na laban sa pagitan nina No. 1 Novak Djokovic at No. 14 Roberto Bautista Agut ng Spain.

Kasunod sana ang duwelo nina Murray at Gasquet, ngunit muling umulan dahilan para ipagpaliban itong muli gayundin ang laro sa pagitan nina No. 1 Serena Williams at No. 18 Elina Svitolina.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kapwa 29-anyos ang magkaribal, ngunit sa kasalukuyan mas impresibo ang panalo ni Gasquet kay Murray sa kanilang paghaharap noong 2006 at 2007 — ang taong nakaabot si Gasquet sa Wimbledon semi-final sa edad na 21.

Umarya naman ang career ni Murray simula 2008 kung saan nagwagi siya ng dalawang Grand Slam title, Olympic gold medal at umabot sa pitong Grand Slam finals.