Tinanggihan ng Supreme Court ang mga petisyon ng umano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles, na humihiling na ibasura ang mga huling kaso na inihain laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Sinabi ni SC Assistant Court Administrator at spokesperson Theodore Te na ibinasura ng Mataas na Korte ang tatlong magkakahiwalay na petitions for certiorari na inihain ni Napoles kaugnay sa mga huling kaso na isinampa ngayong taon laban kina incoming Muntinlupa Representative Ruffy Biazon at dating Representatives Rodolfo Valencia, Marc Douglas Cagas, Arrel Olano, at Arthur Pingoy.

Sa petisyon ni Napoles, inakusahan nito ng grave abuse of discretion ang Office of the Ombudsman dahil paglabag sa kanyang karapatan sa due process nang isulong ang mga kaso nang walang sapat na batayan.

Gayunman, ipinunto ni Te na ang SC “would not interfere with the prosecutor’s or Ombudsman determination of the existence of probable cause.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinabi ng spokesperson na sa halip ay dapat na naghain si Napoles ng motion to quash at hindi ng petitions for certiorari.

At dahil ang mga kaso ay nakahain na sa Sandiganbayan, sinabi ni Te na “the proper recourse is to proceed to trial to allow the Sandiganbayan to hear the merits of the case.” (Jeffrey Damicog)