CEBU CITY – May kabuuang 932 pasahero na patungong Cagayan ang stranded ng halos 12 oras sa pantalan sa Cebu makaraang pumalya ang makina ng barko na kanilang sasakyan, kaya naman hindi ito nakapaglayag.

Hinihintay pa ng Cebu Coast Guard ang investigation report mula sa Maritime Industry Authority (Marina) kung ano talaga ang nangyari sa TransAsia 10.

Ayon sa source, 8:00 ng gabi nitong Martes itinakda ang biyahe patungong Cagayan ngunit sinabihan ang mga pasahero na made-delay ang biyahe dahil may inaayos pa sa makina ng barko.

Sinabi ng isang pasahero sa may akda na dakong 8:00 ng umaga na kahapon, o 12 oras na delay sa itinakdang biyahe, sila nasabihan na hindi makapaglalayag ang barko dahil may problema sa makina.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ilan sa mga pasahero ang inalok ng refund sa kanilang mga ticket habang nag-book na lang ng ibang biyahe ang iba pa.

(Mars W. Mosqueda, Jr.)