LEGAZPI CITY - Itinuturing ng mga Albayano ang 88,444 na iskolar ng Albay Higher Education Contribution Scheme (AHECS) sa nakaraang siyam na taon bilang pinakamalaki at pinakamahalagang pamanang yaman sa lalawigan.

Inilunsad noong 2007, ang AHECS ay study-now-pay-later scholarship program na layuning magkaroon ang bawat pamilyang Albayano ng isang college graduate at isang technical-vocational graduate.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang kahalagahan at pakinabang dito ay pang-habambuhay.

Pinasimulan ang AHECS sa 34,000 enrolment noong 2007, na lumobo sa 77,172 noong 2012, at 88,444 noong 2015, at ang mga benepisyaryo ay malayang makakapili ng kursong gusto nila.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

At dahil sa tagumpay nito, sinabi ng gobernador—na nahalal na kinatawan sa Kamara ng ikalawang distrito ng probinsiya—na isasabatas niya ang isang National Higher Education Contribution System (NHECS) para sa mga pribadong kolehiyo at at libreng pag-aaral sa mga state college at university.

Pinakamalaking bahagi ng budget ng lalawigan ay inilaan sa AHECS, na pinasimulan sa P700 milyon na inutang sa Landbank of the Philippines noong 2010.