Mahigpit nang ipatutupad ang smoking ban sa Muntilupa City matapos lagdaan ni Mayor Jaime Fresnedi ang isang pledge upang gawing “smoke-free” ang lungsod kasabay ng paglulunsad ng “World No Tobacco Day”, kamakalawa.

Kasamang lumagda ni Fresnedi ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod at Environment Cluster na layuning bigyan ng ngipin ang batas lalo na’t nalalapit na ang pag-upo ni incoming President Rodrigo Duterte, na mahigpit ang naging pagpapatupad ng smoking ban sa Davao City noong alkalde pa ito ng siyudad.

Nanindigan ang Muntinlupa government na ipagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar sa siyudad dahil nakasasama ito sa kalusugan at kapaligiran.

Upang paigtingin ang kampanya kontra paninigarilyo, magkakabit ang pamahalaang lungsod ng mga poster sa buong lungsod na nakasaad ang impormasyon tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo.

What's next? Atty. Zuleika Lopez, may release order na mula Committee on Good Government

Sa datos ng World Health Organization (WHO), umabot na sa anim na milyong katao ang namamatay sa buong mundo, kabilang ang 87,600 Pinoy, dahil sa paninigarilyo. (Bella Gamotea)