Ria copy

NAPANOOD namin ang Maalaala Mo Kaya noong Sabado ng gabi na may titulong “Puno ng Mangga” na sina Matt Evans, Ria Atayde at Joseph Marco ang bida.

First MMK ito ng dalagang anak ni Sylvia Sanchez at kapatid naman ni Arjo Atayde, at pasado na siya bilang baguhan na isang serye pa lang naman ang nagagawa, ang Ningning bilang si Teacher Hope.

Hindi challenging ang papel ni Ria sa Ningning kaya hindi pa gaanong nailabas ang acting ability niya.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Hindi rin masyadong mabigat ang mga eksena ni Ria sa MMK pero maayos ang pag-arte niya lalo na sa iyakan scenes. Ang masasabi lang namin, ang gandang umiyak ng anak nina Ibyang at Art Atayde.

Habang pinanonood na umiiyak si Ria, ang Mama Sylvia at tita niyang si Janice Campo (kapatid ni Ibyang) ang nakikita namin dahil magkakamukha sila.

Aliw kami sa eksenang nakasakay sa jeep si Ria dahil never naman yata itong nagawa ng dalaga sa buong buhay niya, kaya inabangan namin kung paano siya bumaba. Kaso kamay ni Joseph ang kaagad na ipinakita na inaabot ang kamay ng dalaga.

May mga pasimpleng reaksiyon si Ria na naaliw kami lalo na nu’ng unang tawagin siyang ‘ate’ ni Joseph, kasi nga dahil sa kuya niyang si Matt na unang nanligaw sa dalaga.

Gusto naming mapanood ulit si Ria sa mas challenging role na alam naming kaya niyang gampanan at gugulatin na lang ang lahat tulad ng ginawa ng Kuya Arjo niya ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ano ang next project ni Ria sa Dos, Ibyang? (Reggee Bonoan)