RIO DE JANEIRO (AP) – Sinabi ng mga pulis na nag-iimbestiga sa gang rape na posibleng kinasasangkutan ng 33 kalalakihan nitong Lunes na walang duda na nangyari ang panggagahasa ngunit masyado nang huli ang isinagawang pagsusuri sa 16-anyos na biktima para makakuha ng conclusive evidence.
Dalawa sa mga suspek, kabilang ang kasintahan ng biktima, ang naaresto kaugnay sa krimen at apat na iba pa ang pinaghananap ng pulisya.
Nangyari ang panggagahasa sa isang slum area sa kanluran ng Rio de Janeiro noong May 21. Nabunyag ito dahil sa isang video clip at mga litratong ibinahagi sa Twitter at WhatsApp ng mga salarin.
Sinabi ni Rio police chief Fernando Veloso na isinagawa ang rape kit tests limang araw matapos ang insidente, malayo sa inirekomendang 72-hour window. “We did not collect evidence of violence, but this does not mean that there was no violence. Traces were lost because of time,” aniya.