LA TRINIDAD, Benguet – Dahil sa isang paru-paro na pumasok sa loob ng truck, isang construction worker ang nasawi habang sugatan naman ang apat niyang kasama sa sasakyan matapos na bumulusok ito sa malalim na bangin sa bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon ng La Trinidad Municipal Police, binabagtas ng sasakyang kinalululanan ng pitong katao ang Sitio Induyan sa Barangay Alno, dakong 3:00 ng hapon nitong Sabado, nang biglang pumasok sa loob ng truck ang isang paru-paro.

Tinangka ng driver na si Kimberly Tungep at ng mga pasahero na itaboy ang insekto mula sa sasakyan, hanggang sa ma-distract si Tungep sa pagkataranta ng kanyang mga kasama at hindi niya napansin na padiretso na sa bangin ang truck.

Nagawa ng tatlo sa pitong pasahero na makatalon mula sa umaandar na truck, habang nanatili naman sa loob ang apat na biktima hanggang sa bumulusok sa bangin ang sasakyan.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sinabi ng pulisya na nasawi sa aksidente si Pedro Gumisa, 47, tubong Sadanga, Mountain Province. Naulila niya ang anim niyang anak, na umaasa lamang sa kanya ng ikabubuhay.

Nabatid naman sa imbestigasyon na walang driver’s license si Tungep, na nahaharap na ngayon sa reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries. (Rizaldy Comanda)