Cavs, kumpiyansa laban sa 'Splash Brothers'.
INDEPENDENCE, Ohio (AP) — Mistulang bangungot na nagbabalik sa gunita ni LeBron James ang mga tagpong nagkukumahog ang Cavaliers para depensahan ang “Splash Brothers” sa NBA Finals.
Sa bawat bitaw sa three-point area nina back-to-back MVP Stephen Curry at Klay Thompson, sa kabila nang malamoog na depensang inilatag ng mas malalaking karibal o maging sa double-teaming, walang ibang paraan para pigilan ang dalawa na makabuslo kundi ang manalangin.
“Some of those shots, there’s nothing you can do about it,” pahayag ni James.
Ngunit, sa pagkakataong ito, mas kumpleto at malusog ang line up ng Cavaliers, kung kaya’t mas malaki ang tsansa ng Cleveland na tapusin ang pamamayagpag ng Golden State Warriors at tuldukan ang 52 taong pagkauhaw sa kampeonato ng prangkisa.
Tunay na imposibleng mapigilan ang ratsada ng Warriors, ngunit malaking bagay kung magagawang mapabagal ang kanilang galaw.
“They shoot the ball extremely well,” sambit ni James sa media conference bago tumulak ang Cavs patungong California para makapaghanda sa pagsabak sa Warriors sa Game One ng NBA best-of-seven finals Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).
“Klay and Steph are probably the two greatest shooters that we’ve probably ever seen. Better offense beats great defense any day. So we have to be able to do other things to stop them, but it’s hard to contain them,” sambit ni James.
“We all know that. The whole league knows that. Our team knows that. But we have a game plan and we have to follow it and be true to it,” aniya.
Nadaig ng Warriors ang liyamado noong Cavaliers bunga ng tinamong injury nina Love at Irving dahilan para buhating mag-isa ni James ang koponan.
Naitala ni James ang averaged 35.8 puntos, 13.3 rebound at 8.8 assist sa nakalipas na NBA Finals, ngunit hindi ito sapat para maigupo ang Warriors na kumpleto ang rekados – bilis, lakas, at katatagan ng bench.
Sa kabila ng matinding pagnanais ng mga tagahanga, gayundin ng mga opisyal at TV executive na rematch nina Curry at James, iginiit ng Cavs na handa sila sino man ang makaharap sa Finals.
“It didn’t matter,” pahayag ni James, sasabak sa ikaanim na sunod na finals.
“Like Coach (Tyronn) Lue said, we’re just waiting on the winner. We’re fortunate to be here and we look forward to the challenge. It’s an unbelievable team that we’re going against. Hats off.”
Sa kabila ng bagong lakas ng Cavs, mababalewala ang lahat kung hindi nila masosolusyunan ang opensa ng “Splash Brothers”.
Matapos magtamo ng injury sa paa at tuhod, balik sa normal si Curry, habang naitala ni Thompson ang postseason-record 11 three-pointer para sa kabuuang career playoff high 41 puntos sa Game Six ng Western Conference finals.
Nakabangon ang Warriors mula sa 3-1 pagkakadapa para gapiin ang Oklahoma City Thunder.
“It’s tough,” pag-amin ni Lue.
“It’s one of two things: either you can switch and have a big (man) on Curry and have him take the shots over your big or you can double-team Steph and throw it back to Draymond (Green), who’s probably the best playmaker at that position in the league and now you have a four-on-three or a three-on-two. So you got to pick your poison,” aniya.