MADRID (AP) — Hindi rin tatapak sa Rio si NBA star Pau Gasol dahil sa takot sa Zika virus.
Pormal nang ipinahayag nitong Lunes (Martes sa Manila) ni Gasol, naglalaro sa Chicago Bulls, na hindi siya sasama sa Spanish basketball team na sasabak sa Rio Olympics dahil sa pangamba sa nakamamatay virus.
Ayon kay Gasol, maraming Spanish athlete ang nangangamba sa naturang outbreak at nagdadalawang-isip na bumiyahe patungong Brazil para sumabak sa quadrennial Games.
“It wouldn’t surprise me to see some athletes deciding not to participate in the games to avoid putting their health and the health of their families at risk,” pahayag ni Gasol.
“I’m thinking about (whether or not to go),”aniya “Just like every athlete, or any other person considering going to Rio, should be thinking about it,”
Tumangging magbigay ng pangalan ni Gasol, ngunit sinabi niyang maraming atleta ang kanyang nakausap at nagsabing aatras din sa paglahok sa Rio Games.
“Some of these athletes are planning to have children in the near future and this could affect them, it could affect the health of their kids and their wives,” aniya.
“Their health should come first.”
Marami ang nananawagan na ipagpaliban o ilipat sa ibang bansa ang pagdaraos ng Olympics dahil sa malawakang pinsala na dulot ng Zika virus sa Central America, kabilang na ang Brazil.
Ang Zika virus, nakukuha sa kagat ng lamok at naililipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik, ay napatunayang sanhi sa pagkakaroon ng depekto sa ulo at utak ng sanggol.
“I hope the national Olympic committees and the health organizations can be as clear as possible about the risks in Brazil so athletes can decide whether or not to take risks,” aniya.