Ilang araw bago ang pagbubukas ng klase sa buong bansa, nagsimula nang tumanggap ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng school supplies na ipamamahagi nito sa mga nabiktima ng child labor.

Sinabi ni DoLE-Cordillera Administrative Region (CAR) Director Nathaniel Lacambra na layunin ng campaign drive “Lapis, Papel at Iba Pa” (LLIP) ay mahikayat ang mga biktima ng child labor na mag-balik-eskuwela sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng school supplies.

“Together we can help send a child laborer to school. Just share and give happiness to another disadvantaged sector of our society—the children who are forced by circumstances to work and earn a living to support themselves and their families,” pahayag ni Lacambra.

Ang LLIP ay bahagi ng programang Project Angel Tree ng DoLE, na nakikipagtulungan ang gobyerno sa pribadong sektor sa pagtulong sa mga biktima ng child labor.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Kabilang dito ang Rotary Club of Baguio na nananawagan sa iba pang pribadong kumpanya at organisasyon na tumulong sa naturang programa.

“Anyone can make a difference…to help send a child laborer to school by donating a pencil and a notebook or educational supplies like books, backpacks and other needs of school children from the far flung villages and barangays in Baguio, Benguet and the Cordilleras,” pahayag ni Rotary Club of Baguio President Rommel Alcid.

“It is also encouraged that if there are benefactors who can provide the child laborer with scholarship, allowance for school or help provide livelihood for their parents,” dagdag niya.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga interesadong donor sa DoLE-CAR sa (074) 443-5339; 0927-342-6420 (Patrick Rillorta); 0920-912-0890 (Rommel Alcid); at email address: [email protected], [email protected], at [email protected]. (Samuel Medenilla)